NAKATULOG sa biyahe si Annie matapos kumain ng kakanin. Madilim na nang magmulat siya ng mga mata. “Nasaan na tayo?” tanong niya kay Vladimir. “Nasa La Union na tayo,” turan nito. “Should we take a break?” “Ikaw, baka naiihi ka. Gusto ko rin ng pagkaing may ulam.” “Kaso baka mahabol tayo ng kalaban.” “Don’t worry. Nailigaw ko sila. Wala na sila sa tracking device ko.” “Paano kung may ibang backup pa sila?” “Hindi na nila tayo mati-trace, huwag ka lang magbukas ng phone.” “Sige. Puno na rin ang pantog ko.” Huminto sila sa tapat ng restaurant na malayo sa mismong bayan. Siguresta si Vladimir at tiniyak muna na walang nakasunod sa kanila. Pumasok na sila sa restaurant at ito na ang nag-order ng pagkain. Dumiretso naman siya sa banyo pero mayamaya rin ay sinundan siya ng binata. “B

