MARAMI pa ang natirang ulam dahil tatlo lang naman sila ang kumain. Dapat ay kasama sina Yoshin at Chase kaso umalis na. Hindi pa rin maka-get over sa nangyayari si Annie. Nalulungkot siya para sa grupo ni Vladimir. Parang kailan lang ay ang saya ng mga ito na nagbibiruan sa bahay niya. Katatapos lang kumain ay nagyaya na si Vladimir na maligo sa dagat. “Mamaya na. Busog pa ako,” aniya. “Mauna na ako. Mainit, eh,” sabi naman nito. Tumakbo na ito patungong dagat. Nakaupo pa rin siya sa tapat ng bilog na lamesa kasama ni Alejandro na may nginangatngat pa ring mais na pinahiran nito ng butter. “Ale, magiging okay pa kaya sina Yoshin at Vlad?” hindi natimping tanong niya sa binata. “Why are you worried?” tanong naman nito. “I just felt guilty. Kasi nasabi ni Yoshin na nadadamay siya da

