“ANNIE! Hey!” Pumitlag si Annie nang tapikin ni Vladimir ang kaniyang kanang balikat. Nawiwindang pa rin siya dahil sa nabasang chat ni Black Mamba kay Vladimir. She needs to see her brother and ask for more details about his business before. Malilintikan talaga ang kuya niya. Naatim niya na pumasok sa sindikato si Jake para sa pera pero hindi niya kayang malaman na pumatay ito ng tao. “Hey! Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Vladimir. “Basahin mo ang chat ni Black Mamba,” aniya. “You opened my phone?” Kinuha naman nito ang cellphone at binuksan. “No. Nabasa ko lang ang mensahe sa notification pero putol.” Biglang tumahimik si Vladimir. Nagbabasa na ito ng mensahe ni Black Mamba. “What does it mean? Hindi si Black Mamba iyong Ace Sorrentino?” pagkuwan ay usal nito. “Sino ba

