HINDI maka-get over si Annie sa muling pagkikita nila ni Vladimir, at doon pa mismo sa bahay ng kaniyang kaibigan. How come? Hinihila ni Slather ang kanang kamay niya kaya siya nahimasmasan. Pero hindi pa rin siya makapagpasya kung matutuloy na makisama sa mga bisita ni Ingrid.
Tumayo na lamang si Ingrid at kinuha nito si Slather sa kaniyang tabi.
“Oh, may bisita ka pala, Ingrid?” sabi ng tisoy ding lalaki na katabi ni Vladimir.
Kumilos na siya pero hindi maalis ang titig kay Vladimir. Lumuklok siya sa silyang katabi ni Ingrid, sa gawing kaliwa. Nakatingin pa rin sa kaniya si Vladimir kaya tila sinisilaban ng apoy ang kaniyang katawan. It’s akward, kung puwede lang ay aalis na siya pero nahihiya siya kay Ingrid.
Nagkunwari na lamang siyang hindi apektado at kaswal na nakitungo sa mga kasama. Kumuha na rin siya ng pagkain at hindi na sinulyapan pa si Vladimir kahit ramdam pa rin niya ang init ng titig nito sa kaniya.
Nakikinig lang siya sa kuwentuhan nina Dwayne at Wallace. Naipakilala naman siya ni Ingrid sa mga ito at tila walang alam sa ugnayan niya kay Vladimir. Maybe she was just pretending. Pero si Vladimir, sobrang tahimik at mahinhin na kumakain. Una siyang kinamayan ni Wallace. Wala rin itong alam at ipakikilala pa sana siya kay Vladimir.
“Magkakilala na kami before,” apela ni Vladimir.
Nawindang siya. She expected that Vladimir would still remember her. Matalas ang memorya nito at wala naman masyadong nabago sa kaniya. Pero kasi ang alam niya ay galit ito noong huli silang nag-usap. Sinisi pa siya sa pagkawala ng baby nila at ng mommy nito. Naungkat tuloy ang guilt sa kaniyang puso kaya hindi niya matitigan sa mga matai Vladimir.
Hindi siya umimik at hinayaang magbangayan ang magkakaibigan. Inaliw na lamang niya ang sarili kay Slather na gusto magpasubo ng pagkain sa kaniya.
Pagkatapos ng hapunan ay nagyaya si Wallace na uminom ng alak. Mariin siyang tumanggi. Nahihiya naman siyang magpaalam kaagad kay Ingrid kaya tumulong siya rito sa pagliligpit ng kalat sa lobby. Pagkuwan ay niyaya siya nito sa kusina.
Nauna pa siyang pumasok at nawindang nang maabutan sa kusina si Vladimir na nagliligpit ng mga kubyertos. Lalabas sana siya ngunit biglang isinara ni Ingrid ang pinto, nai-lock pa ata nito sa labas, hindi na mabuksan. Iniwan siya nito sa kusina. Kinalampag niya ang pinto pero ayaw pa ring mabuksan kahit anong pilit niya. Inis na inis siya kay Ingrid.
“Ingrid! Buksan mo ‘to!” sigaw niya. Hindi siya tumigil sa pagkalampag ng pinto.
Natanto niya na sinadya ni Ingrid na ikulong siya sa kusina kasama si Vladimir, meaning, alam na nito na may nakaraan nga sila ni Vladimir. Stupid friend! Panay pa rin ang kalampag niya sa pinto.
“Stop that, please! Ang ingay!” sita sa kaniya ni Vladimir.
Napilitan siyang pumihit paharap kay Vladimir. Itim na hapit ng t-shirt lang ang suot nito at black short pants. May suot itong pulang apron na masikip dito. Nagmukha itong maskuladong kusinero, and she can’t deny that Vladimir's new looks were hotter than the last time they met.
Lalo itong nag-mature, lumaki ang katawan, bagay ang may two inches nitong buhok na maalon na tila sinuklay lang ng daliri. Hindi kaputian ang kutis nito pero makinis. Still, attractive pa rin ang light brown nitong mga mata, and his strong jawline and prominent cheekbones. This time, she can’t see Harry’s resemblance in him. Sobrang layo na.
“S-Sorry,” naiilang niyang sabi.
“Hindi ka pagbubuksan ng mga ‘yon, kaya tulungan mo na lang ako rito,” sabi nito. Walang nagbago sa accent nito, may angas pa rin at suplado.
She’s aware that Vladimir is a jerk, naughty, and sometimes dominant. Kaya natatakot siya rito lalo kung galit, wari kakain ng tao. Ang layo ng ugali nito kay Harry na sobrang sweet. Nakakasakit din minsan ng damdamin ang pagiging prangka ni Vladimir, pero gusto niya ang sense of humor nito.
“A-Ano ba ang gagawin?” balisang tanong niya.
“Isn’t obvious? Nasa kusina tayo, alangan namang matulog tayo rito,” pilosopong sabi nito.
Dahil sa pagsusungit nito, inisip tuloy niya na galit pa rin ito sa kaniya. Kumilos na lamang siya at kumuha ng isang apron at isinuot. At habang nagbabanlaw ng mga sinabon ni Vladimir na kubyertos, awtomatikong nagunita ng kaniyang isip ang nakaraan, noong magkatuwang din sila na naghuhugas ng kubyertos sa bahay ng mga ito. At pagkatapos niyon, naglasing sila, hanggang sa nauwi sa maalab na pagniniig.
“Banlawan mong maigi ang mga ‘yan kasi naglagay ako ng konting bleach sa sabon,” sabi nito.
Napasulyap siya rito. Sobrang seryoso nito. “Babanlawan ko na lang ulit. Medyo masikip kasi ang space kaya mahirap kumilos,” alibi niya.
“Ang arte mo kasing humawak ng plato. Set your mind to the current situation. Walang doktor, doktor dito,” padaskol nitong sita.
She’s convinced, may galit pa rin talaga sa kaniya si Vladimir. “Bakit ka ba nagagalit?” reklamo niya.
“Hindi ako galit. Ganito na ako magsalita.”
Bumuntong-hininga siya. Nanibago siya kasi matagal ding hindi niya nakausap si Vladimir. Tama naman ito, normal na itong magsalita na parang galit. Kahit nga naglalambing, pagalit pa rin.
“Kumusta ka na pala?” pagkuwan ay tanong niya.
“I’m always fine. Ikaw ang dapat kinukumusta,” balik nito.
“Okay lang ako.”
“Tsk! Hindi ka na nagbago, sinungaling ka pa rin.”
Napatitig siya kay Vladimir. Ano naman ang alam nito sa sitwasyon niya? “Sorry sa mga nangyari noon. Alam ko galit ka pa rin pero hindi na dapat natin ‘yon balikan.”
“Why not? Sa palagay mo ba madaling kalimutan ang ganoong kabrutal na pangyayari?” Nagsasalita lang ito pero tuloy ang kilos ng mga kamay.
“Alam kong masakit pero tapos na ‘yon. At ang nangyari sa atin ay isang malaking pagkakamali. It’s not a big deal.”
Kumislot siya nang marahas na humarap sa kaniya si Vladimir. “For you, maybe walang kuwenta ang nangyari. Pero sa akin, big deal ‘yon, Annie!” asik nito.
Napatitig siya rito at hindi naawat ang pagtahip ng kaniyang dibdib dahil sa kaba. Napukaw ng galit ni Vladimir ang kirot sa kaniyang puso. But she refused to show her tears.
“Nag-sorry na ako sa ’yo bago ka umalis. I hope you forgive me,” gumaralgal na pahayag niya.
“I have forgiven you, mga fifty percent lang. Do you know why? Imagine, after my brother died, you lost our child that you hid from me! Then my mother died, too. Dahil ‘yon sa kasinungalingan mo! Dapat isumpa kita kasi nawala lahat sa akin dahil sa ‘yo, but I can’t. Hindi mo rin kasalanan bakit namatay si Harry, kasalanan niya kasi minahal ka niya nang sobra. Then, I promised him to take care of you. Kasi alam niya ang kuwento ng buhay mo,” walang prenong palatak nito.
Hindi na niya naawat ang paglaya ng kaniyang mga luha bugso ng damdamain. Hindi niya akalaing nagkuwento pala si Harry kay Vladimir bakit minahal siya nito sa kabila ng pagtutol ng kuya niya. At aware siya na hindi lang basta aksidente ang nangyari kay Harry, sinadyang sinagasaan ito ng kotse kasi nakilala niya ang driver, isa sa tauhan ng boss ni Jake, na gustong-gusto siya.
They tried to complain that Harry’s death was intentional, yet they failed to win the case, kasi walang sapat na ebidensiya. Natakot siyang isumbong ang anumalya sa business ng boss ni Jake dahil may banta sa buhay nilang magkapatid at sa pamilya ni Harry. Kaya pinili niyang manahimik.
Pilit niyang dinipensahan ang side niya. “Hindi mo alam ang buong kuwento, Vlad, I--I.”
“I know, Ann! Dahil ‘yon sa p*t-tang*na mong kapatid!” nanggagalaiting sabi nito. Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit, ang lutong pa ng mura.
Hindi na siya nakakibo at napatakip na lang ng palad sa bibig. Napahagulhol na siya at hindi nakayanan ang tensiyon sa kaniyang puso. Hinubad niya ang apron at nagpunas ng mga kamay.
“You can’t hide your secrets from me, Ann. I knew it. Pipigilan ko ang kuya mo sa kahayupan niya,” mayamaya ay sabi ni Vladimir. Bumaba na ang timbre ng boses nito.
Marahas siyang humarap dito. “Huwag kang makialam, Vlad. Huwag ka na magpapakita kay Kuya! Please ‘wag mo nang gatungan ang gulo,” samo niya.
“I waited for almost seven years, and I won’t stand elsewhere and watch you suffer! Tutulungan kitang makalayo sa kuya mo,” maotoridad nitong sabi.
Ginupo na siya ng kaba. “Pleas no! Huli na itong pagkikita natin!” asik niya. Tinalikuran na niya ito at malalaki ang hakbang na lumapit sa pintuan. Mabuti nabuksan na ito.
Lumabas siya’ng panay ang pahid ng panyo sa kaniyang pisngi na binasa ng luha. Hindi na niya pinansin ang mga tao sa lobby, basta kinuha ang kaniyang bag mula sa couch.
“Annie, wait!” pigil ni Ingrid. Hinabol pa siya nito.
Marahas naman niya itong hinarap. “Bakit naman ganito, Ingrid?” dismayadong tanong niya sa kaibigan.
“I’m sorry. I just want to help you,” she said.
“Help me? You don’t have an idea what you are risking, Ingrid.”
“What do you mean?” balisang tanong nito.
“Kapag nalaman ni Kuya na may ugnayan kami ni Vladimir, lalong mahihirapan akong makalaya sa kaniya,” naluluha na namang wika niya.
“You mean, until now, Jake was controlling you?” manghang untag nito.
Tumango siya. “Ayaw kong galitin si Kuya, kaya palagi akong nagpapakumbaba sa kaniya. Kaya ako nag-iipon ay upang mabayaran siya, at nang wala na siyang maisumbat sa akin.”
“That’s not right! Magkano ba ang lahat ng naigastos niya sa ‘yo? I will pay all of those just to set you free! He’s an as*hole!” gigil nang sabi nito.
“Please, Ingrid, huwag ka nang makialam. Problema namin ‘tong magkapatid.”
“Pero mali, Annie. Matalino ka, bakit hindi mo gamitin upang makalaya?”
“Maraming dahilan, Ingrid, at hindi sapat ang talino kung maraming buhay ang maisaalang-alang. Ayaw ko ring masira nang tuluyan ang relasyon naming magkapatid, kaya ako na ang gagawa ng paraan.”
“You’re impossible, Annie! Kung alam ko lang na ginaganyan ka ni Jake noon pa, I swear, wala siyang mapapala sa akin. Pero hindi pa huli ang lahat. I will do my best to help you.”
Napahawak siya sa kanang braso ni Ingrid na nanggagalaiti na sa galit. “Huwag na, Ingrid. Ituloy mo na lang ang plano mo na hiwalayan si Kuya. Basta huwag kang magpadaig sa awa sakaling magdrama siya. It’s my fault, too, ipinakilala kita sa kaniya. Napilitan lang din ako dahil inudyok niya ako na ireto ka sa kaniya, dahil gusto ka niya.” Hindi na niya napigil ang sarili na ibunyag ang totoo kay Ingrid. Deserve nitong malaman ‘yon.
“Hindi totoong gusto ako ni Jake, lalong hindi mahal. He just using me for his dark plans! I can’t take it, Annie.”
Lalo siyang nababahala dahil aware na si Ingrid. “Isalba mo na lang ang sarili mo, Ingrid. Huwag mo na akong intindihin.”
“Matutulungan ka namin. I know, hindi ka pababayaan ni Vladimir. He loves you,” anito.
Natiggal siya pero hindi pinaniwalaan ang sinabi ni Ingrid. Alam niya gusto lang siya nitong pakalmahin. “Hindi niya nabanggit sa akin ‘yon. He just offered a help na para makaalis ako sa puder ni Kuya.”
“Of course, Vlad will think about your safety first since he is unsure if you guarantee his feelings towards you. But look, your situation was complicated, Annie. You need to set yourself free.”
“Unahin mo na muna ang sarili mo, Ingrid. And please, huwag mong babanggitin kay Kuya ang tungkol kay Vladimir. Lalo akong maiipit.”
“Okay, I swear. Pero hindi mo ako mapipigil sa pagtulong sa ‘yo, Annie.”
Hindi na siya kumibo at nagpasyang tuluyang lumisan. Hindi naman siya pinigil ni Ingrid.