DALI-DALI kong hinalungkat sa drawer ang aking charger. Chinarge ko muna ang phone ko at baka ma-lowbatt na. Pagkatapos ay pinindot ko ang call nang nahanap ko ang number ni Kuya Froy sa contacts ko. “Shema, bakit ka napatawag?” Hindi natuwa na tinig ni Kuya Froy sa kabilang linya nang sinagot niya ang tawag ko. But at least sinagot niya, hindi tulad kanina sa video call na dini-decline niya yata. “Kuya, I want to talk to Jwan. Please pakibigay mo sa kanya ang phone,” wala na akong hiya-hiya na demand ko sa kanya. “Wala si Jwan rito. Sumama siya kina Deus kagabi nang inanyayahan siya ng parents ni Deus na doon matulog para maka-bonding naman daw nila siya.” “f**k!” I cursed under my breath. Napasuklay ako sa buhok ko. “Shema, calm down,” pakiusap sa akin ni Kuya. “Bakit siya sumama