SA MAY likod ng mga shampoo ko itinago ang phone ko. Saka lang ako lumabas nang nasigurado ko na na hindi na iyon mapapansin ni Yaya. “Ba’t ang tagal mo?” puna sa akin ni Yaya. Inaayos niya ang side table na pinaglagyan niya ng dala niyang pagkain. “Sumama ang tiyan ko po,” sagot ko na mahaba bahagya ang nguso. Hinaluhan ko nang nagtatampong boses ang tinig ko. Gusto kong maramdaman niya na nagtatampo ako sa hindi niya pagtatanggol sa akin kanina kay Papa kahit na hindi naman kasi alam ko naman na wala rin siyang magagawa. “Heto. Ipinagluto kita ng masarap. Kumain ka na.” Itinuro niya ang mga pagkain. Natakam ako dahil caldereta iyon pero hindi ko pinahalata. Sa halip ay napakalungkot ng mukha ko na umupo sa gilid ng kama. Itinukod ko ang dalawang kamay ko at swiney-sway ang mga paa