“PAPA, buksan mo ang pinto! Papa!” Panay ang sigaw ko habang binabayo ko ang pinto ng kuwarto ko. Sapilitan akong ikinulong dito ni Tatay Rod. Gayunman ay wala akong sama ng loob kay Tatay Rod dahil wala rin naman siyang magagawa kapag utos ni Papa. Tulad ni Yaya ay sumusunod lang siya sa nagpapasahod sa kanya at kinauutangan ng malaking utang na loob. “Pasensiya ka na, hija.” Narinig ko nga na ibinulong sa akin ni Tatay Rod kanina. Ibig sabihin ay labag talaga sa loob niya ang ginawa. Hindi niya lang masuway ang kanyang boss. Kahit man si Yaya, kitang-kita ko na nais niya akong tulungan pero wala rin namang magawa ang matanda. “Teody, ‘wag mo namang gawin ito sa anak mo. Kausapin mo na lang,” pakiusap ni Yaya kanina. Subalit naging matigas at sarado na ang puso ni Papa. Mukhang kahit a