“PAPAYAG ako na magpunta sa kasal niyo pero gusto ko ay makausap ko muna si Jwan sa araw na iyon,” matapang na demand ko kay Deus bago pa man siya makalabas at iwanan na ako. Natigil siya sa paghakbang at dahan-dahan ay nilingon niya ako. Salubong ang mga kilay niya. Makikitang hindi agad siya sang-ayon. Maybe because he thinks I will do something he will not like again. “Wala akong balak na masama. I just want to talk to her even for the last time. Gusto ko lang magpaalam sa kanya nang maayos bago kayo ikasal,” panlilinaw ko. “Huwag kang mag-alala dahil kung sure na talaga si Jwan na magpakasal sa’yo ay hindi ko na mababago ang isip niya kahit anong sabihin ko pa sa kanya. Ikaw na ang nagsabi, ang pinili niya ay ang anak niya, so I’m not a threat now.” Hindi siya umimik. Bagkus ay nag