Part 62

1920 Words

NANG binanggit na ni Jwan ang katagang ‘I DO’ ay tumalikod na ako. Sapat na iyon para maipamukha ko sa sarili ko na wala na talaga akong aasahan pa sa kanya. Tuluyan na siyang pag-aari ni Deus at ang anak nila. Dapat ko nang tanggapin na hanggang dito na lang kami kahit pakiramdam ko ay paulit-ulit akong namamatay dahil sa sobrang sakit. Nakahakbang na ako ng dalawa paalis nang may sinabi sa akin si Kuya Froy. “She’s looking at you.” I dithered for a few moments. Gusto ko sanang lumingon upang makita kung totoo ang sinabi ni Kuya Froy pero sa huli ay pinili ko na huwag na lang. Ano pang silbi? “Shema…” Hinawakan ni Kuya Froy ang bisig ko upang pigilan ang pag-alis ko nang itinuloy ko ang paghakbang. “Don’t worry, I’ll be fine.” Kusang tumulo na tuloy ang mga luha ko pagkasabi ko niyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD