“SO, nag-away sila?” excited ang boses na tanong ni Sal nang in-accept ko ang kanyang video call. Kanina ay ka-chat ko lang siya sa Messenger, pero dahil tsismosa nga siya ay mas gusto na niya ang call kaysa chat para tuloy-tuloy at malinaw raw ang kwentuhan namin. “Hindi ko na alam kasi nga umalis na ako,” kako. Ikwinento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi na kwinestyon ni Jwan si Deus dahil sa sumbong ko na ayaw ni Deus na lumapit o makipagkaibigan ulit ako sa kanya. “Ah, baka nga nag-away. Syempre nagdahilan si Deus. Nagpasulot siya ng paliwanag tapos hindi nagustuhan pa rin ni Jwan kasi nga ay wala naman kayong ginagawa na masama para pigilan niya ang nabubuo niyo ulit na friendship,” may tama na naman na saad ni Jwan. “Kaya?” Duda pa rin ako. “Oo naman, lalo na at sabi mo ay par