PAGBALIK ni Jahara ay gusto ko siyang sabunutan ulit dahil sa mga pambubuking niya sa akin kay Jwan, kahit pa may dala siyang masarap na ultimate cheese platter para sa snack namin. “Oh, bakit demonyita ka na naman kung makatingin?” Inirapan niya ako. Hindi niya raw kasi ako mapapatawad sa paghila ko sa wig niya kanina. Tinirikan ko lang naman siya ng mata. “Next time, Jwan, huwag na ang bruha na ito ang kasama mo, okay?” request niya kay Jwan. Walang pakialam nga lang sa amin si Jwan. Nauna na na tumikim sa inihanda sa amin ni Jahara na miryenda. Tila ay sinasabing, “Bahala kayo riyang mag-away.” Sunod na kinuha ni Jahara ang mga sample photos ng mga wedding gowns design niya. At namangha kami ni Jwan kasi ang gaganda. “Sure ka ba na ikaw talaga gumawa nito?” kunwa’y nagdududa ako