SINENYASAN ko ang mga karpentero ni Papa na tumahimik pansamantala bago ko sinagot ang tanong ni Jwan. “Hindi naman. Boryong-boryo na nga ako rito sa bahay. Bakit?” “Eh, bakit kasi nagkukulong ka riyan? Tapos hindi ka nagpaparamdam. Sabi ni Kuya Froy niyayaya ka raw niya pero tumatanggi ka raw.” May nagpukpok ng kahoy. Pinanlakihan ko ng mata. Jerk! “Ano ‘yon?” tanong tuloy ni Jwan. “Um… Ano kasi inaayos ko ang…” Nag-isip ako ng idadahilan. Mamaya ay lagot sa akin ang nagpukpok. Sinabi na ngang tumahimik muna sila, eh, di marunong sumunod. Ay naku. “May pinapako ka?” usisa pa ni Jwan. “Ah… Eh… Oo. Inaayos ko kasi ang fairies. Tabingi ang pagkakagalay ni Tatay Rod, eh.” Para akong nabunutan ng napakaraming tinik sa dibdib nang makapagrason na ako. Thank you kay Lord dahil ang talino