TAWANG-TAWA kami ni Jwan na umalis sa kinainan naming lugar dito sa resort. Grabe kasi ang naging reaksyon ni Manong nang sinabi ko na girlfriend ko si Jwan. At nang ayaw maniwala ay hinalikan ko sa lips si Jwan. Doon na nalaglag ang panga niya. Muntik pa yatang nahulog ang pustiso niya. Mga tao talaga rito sa Pilipinas, big deal pa rin sa kanila ang tulad namin ni Jwan. Tsk. Tsk. Tsk. “Luka-luka ka talaga. Buti hindi inatake sa puso si Manong,” saway sa akin ni Jwan. Lalo akong nagtatawa. Ang cute naman kasi kausap ni Manong kaya napag-trip-an ko tuloy siya. Pero wala naman akong masamang intensyon. Masyadong masaya lang talaga ako ngayon kasi sa wakas ay kami na ulit ni Jwan. “May five hundred pesos naman siya kaya okay lang ‘yon,” kako na patuloy pa rin sa pagtawa. Hindi mawala sa