“I CAN explain this, Deus.” Nataranta si Jwan. Napabalikwas talaga siya ng bangon at agad na lumapit kay Deus. Ako nama’y napatiim bagang lamang. Nagulat man ako ay nawala rin agad nang na-realize ko na ito nga pala ang gusto kong mangyari noon pa, ang makita kami ni Deus sa ganitong eksena. Sayang lang at mukhang hindi na siya as in nagulat sa kanyang natuklasan dahil naunahan na ni Carrie na sinabi ang totoong pagkatao namin. I bet nakausap niya ang kapatid niya at nasabi niyang nawawala si Jwan. At ang Carrie naman na iyon ay ibinunyag na ang lihim namin ni Jwan. “How did you do this to me, Jwan? Bakit sa katulad mo pa na babae? Hindi ka ba nandidiri?” panunumbat ni Deus kay Jwan. Ngitngit na ngitngit ang mga ngipin niya at grabe ang pakakatiim-bagang niya pati na rin ang pagkakamao