AFTER an anxious glance in my rearview mirror to make sure my makeup was still good, I stepped out of the car. Talagang nagpaganda ako ngayon para kay Jwan. Alam ko kasi na sa pagbibigay niya sa akin ng bulalak kahapon ay nagpapahiwatig iyon na bumalik din ang feelings niya sa akin. Hindi lang niya maamin dahil nag-aalangan siya. Sumaludo sa akin si kuya guard. “Ang ganda natin ngayon, Ma’am, ah?” “Thank you,” maluwag ang pagkakangiti ko na sabi. “Si Jwan po?” “Ay si Ma’am Jwan ba ang sadya mo, Ma’am?” “Oo sana.” “Eh, naku wala po yata siya.” “Saan siya nagpunta?” Hindi na siya nakasagot kasi lumabas na ng bahay si Kuya Froy. Nakasuot ito ng uniform kaya alam ko na aalis siya. Busy raw sila talaga ngayon sa Camp Aguinaldo. Sabi nga niya sa akin ay babawi raw siya kapag hindi na sil