WALA pa sana kaming balak ni Jwan na umuwi ng Pilipinas hangga’t hindi kami kasal, pero dahil may natanggap akong tawag mula kay Papa na mahina na raw si Lolo ay napilitan kaming magdesisyon na harapin ang huling hamon ng pagsasama namin. Dito na namin kako mapapatunayan kung wala na talagang titibag sa aming relasyon. Batid kasi naming dalawa na oras na tumuntong kami sa Pilipinas na naman ay siguradong may problema ulit kaming kahaharapin, lalo’t wala pang kaalam-alam ang pamilya ni Jwan sa aming status maliban kay Kuya Froy. Pamilya ko ang alam na lahat at tanggap na si Jwan para sa akin. Ilang buwan na kaming nagsasama rito sa Korea mula sinagot ko siya sa puspusan niyang panliligaw sa akin. Pinahirapan ko rin talaga siya kahit na halatang siya pa rin ang gusto ko. Pinagselos ko rin s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books