“KUYA, may dapat kang malaman tungkol sa amin ni Jwan,” naluluha kong sabi kay Kuya Froy. HInawakan ko pa siya sa bisig niya para talagang pakinggan niya ako. Nakapagdesisyon na ako, sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Bahala na. All I know now is that I need an ally. Nagtataka na napatitig siya sa aking mukha tapos ay pababa sa kamay ko na nakahawak sa bisig niya. “Ayoko sana na manggaling sa akin ito dahil alam ko na hindi pa ready si Jwan na aminin sa inyong lahat iyon pero wala akong choice. We really need help now,” I also said, working to keep my voice reasonable and urgent. “Guard, sige na. Bumalik ka na sa post mo,” utos muna ni Kuya Froy sa kanilang tauhan bago niya ibinalik sa akin ang tingin niya. Ang seryoso na niya. “Anong dapat na aaminin sa amin ni Jwan? May sekreto ba s