Kabanata 41

1662 Words

Dalawang araw muna ang lumipas bago muling nakatanggap ng ulat ang palasyo mula sa kabilang mundo. Hindi pa nila natutunton ang eksaktong kinaroroonan ni Marion ngunit mayroon silang nakuhang balita sa isang lokal na radyo tungkol sa isang di makilalang lalaki na pumaslang sa siyam na katao sa isang pabrika ng mga metal sa Bulacan. Napakabrutal ng pagkakamatay ng siyam at para bang hindi tao ang may gawa ayon sa ulat kaya umaksyon agad si Josh ng mga hunter sa lugar upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa naganap ng krimen. Sinunog din ang pabrika ngunit may na-recover silang video footage mula sa CCTV na nakalagay sa gate ng establisyemento. Mula pa lamang sa laki ng pinsala, sunog na pabrika, at paraan ng pagkamatay ng siyam, masasabing hindi nga pangkaraniwan ang may gawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD