Lala's Point of View "Masama ito," dalawang salita na tanging nasambit ko matapos mabasa ang ulat. Hindi pa raw nahahanap si Ginoong Marion at magiging napakadelikado kung matatagalan muna bago siya matagpuan. Maaring may pinaplano na ito ngayon at magiging mapanganib para sa lahat kung sakali mang mag-umpisa siyang kumilos. Malaki ang posibilidad na mas lalo pa niyang mapalakas ang kapangyarihan niyang taglay kung patuloy itong papasok sa iba't-ibang katawan. Iyon kasi ang napansin ko at base sa kanilang mga kuwento. Nang mamatay si Ginoong Faustos at ipagpalit ang katawan nila ay para bang nakuha ni Ginoong Marion ang ibang kapangyarihan nito o baka ang buo pa nga. Konklusyon lamang naman ito, ngunit hindi dapat ipagwalang-bahala. Napakaraming madadamay kung sakali. Walang kalaban-l