Kabanata 25

1792 Words

May maagang anunsyo si Rue sa aking silid. Napakatinis ng boses at nakakatulig kapag sumisigaw talaga siya. Hay naku talaga! Mahaba-haba na ang naitulog ko ngunit parang kulang pa. Daig ko pa ang may hangover. Parang hinihila pa akong muli upang matulog, ngunit dahil nga nariyan si Rue sa paligid at may sinasabi siyang hindi ko maintindihan ay pinilit kong gisingin ang sarili ko. Nagpagulong-gulong sa malambot kong higaan nang ilang beses bago bumalik sa diretsong paghiga at nag-unat ng katawan. Pakurap-kurap kong pinasadahan ng tingin si Rue at nakitang lumilipad na pala siya nang kay lapit sa tukling ng ilong ko. "Ano kamo?" tanong ko sa kaniya. Bahagyang paos ang boses. "Sabi ko, hindi ka masasamahan ni Ginoong Eros bukas sa pupuntahan mong kasalan," may pasensiya naman ulit nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD