Lala's Point of View Bumalik na kami sa palasyo lahat, pero dahil mas malayo ang lupain ng mga Red ay nahuling dumating sina Ginoong Eros at mga kasama nitong kawal. Maaga akong nagising at napagpasyahang maglibut-libot sa bayan. Kasama ko si Rue at ayaw ko pa siyang pauwiin sa kanila. Naiilang kasi akong kausapin si Raven. Sa tuwing maririnig ko ang boses niya ay parang natatakot ako. Na-trauma yata ako ng sabihin niyang mahal niya ako. Ewan ba. Nagugulat ako kapag magsasalita siya. Parang bomba sa pandinig ko at bigla na lamang akong magugulantang may ginagawa man ako o wala. Nasaayos naman na ang lahat. Wala ang bagyo. Bumalik na ang kulay ng ilog at nagpakawala ng mga maliliit na isda bilang kapalit ng mga namatay. Nangako silang tutulong sa amin bilang kanilang papasalamat sa pagp