Palasyo Taranta ang lahat ng mga nasa palasyo, ngunit mas natataranta si Rue. Hindi kasi niya alam ang gagawin. Wala pa si Lala at hinahanap siya ng mga miyembro ng konseho. Nagsinungaling na lamang siya sa mga ito na nasa silid-aklatan ang kanilang Reyna at ayaw magpaistorbo dahil masama ang pakiramdam nito at ayaw magpapasok ng kahit sino muna dahil gusto niyang magpahinga muna sandali bago sila harapin. Isang balita kasi ang dumating sa palasyo mula sa lupain ng mga Red. Isang malakas na bagyo raw ang paparating at pinaghahanda na ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mundo. Kitang-kita mula sa bintana ng silid-aklatan ang nangingitim na makapal na ulap at mabilis na lumalaki ang nasasakop pagkat hinihigop nito ang mga mapuputing ulap na nasa paligid at ang maaliwas na kalangitan