Lala's Point of View Pinabago ko ang pagkakasunod-sunod ng pagsusulit. Ang dapat na magaganap ngayon ay pares ngunit napagkasunduan na unahin na ang pangkatan dahil marami pa ang natira sa kanilang bilang. Anim na pangkat na tig-limang miyembro. Tatlong labanan ang nagaganap ngayon sa magkakaibang mga lugar. Bawat pangkat ay may mga teritoryong itinakda. Mayroong tig-iisang mga medalyon ang bawat pangkat na kailangang makuha ng katapat nilang grupo at kailangan din nilang protektahan mula sa kanilang kalaban. Istratehiya ang kailangan sa labanang ito. Sila ang bahala kung mayroon silang itatakdang lider ng kanilang grupo o kaya naman ay magsasarili sila. Nag-umpisa na at may mga grupong naisip na sila na lamang ang sasalakay habang ang iba ay naghihintay lamang. Hindi ko maiwasang