Isang napakapambihirang labanan ang naganap sa pagitan ng anim na grupo. Gaya nang inasahan, tatlong grupo ang nagwagi at tatlo ang talo. Halos lahat ng mga kalahok ay may mga sugat at kailangang magamot at ang ilan pa sa kanila ay nawalan na ng malay sa labis ng paggamit ng abilidad at kapangyarihan na tumagal din ng ilang oras ang kanilang labanan. Si Raven ang nag-anunsiyo ng mga pangalan na nakakuha ng mga matataas na puntos at ang nangunguna ay ang binatilyong si Sidd. Marami ang nagtaka matapos sabihin nito na labing-apat lamang ang makakapasok sa huling parte ng pagsusulit at ang ilan sa nabanggit niya ay mga nanggaling sa grupong natalo. Dito nag-umpisa ang protesta mula sa kalahok at mga manonood. Nag-alisan na ang ilang mga bisita na kasama sa nagpasya ng pagbabago sa paligsa