Sa kabila ng malungkot na pag-alis ni Lala sa palasyo ay masayang-masaya naman ang kaniyang mga magulang sa muli nila siyang makakasama. Natuwa rin ang mga ito ng ipaalam niyang doon na siya mamamalagi kasama nila. Halos hindi umalis sa tabi niya si Sonia ng buong maghapon dahil sa pag-aakala na aalis nanaman siya ngunit nang malaman nitong hindi ay nagtatatalon ito sa saya. Sinalubong siya ni Josh ngunit umalis agad ito matapos silang ihatid sa tahanan ng kinilalang Mommy ni Lala sa mundong iyon gamit ang sarili nitong sasakyan. Kailangan niya kasing bumalik sa headquarters nila para asikasuhin ang mga bagong Hunter na kapalit ng dalawang namatay noon sa pakikipaglaban kay Marion. Ang pagkakaalam ni Lala ay isa roon si Jane ngunit hindi niya sinabi sa pinsan ang kaniyang nalalaman. Gust