Third-person's Point of View Matapos ng seremonyas sa pagpapasa ng korona ay naisip munang lumabas ng bulwagan ni Lala upang makapagpahinga. Napatuloy ang kasiyahan sa loob at ang tugtog ay kanila na muling sinasabayan. Nagpaalam muna siya sa kaniyang mga magulang. Si Erin ay inaasikaso naman ni Jane kaya walang problema. Sa hardin niya naisip pumunta upang doon muna magtago at para makapag-isa muna siya sandali. Tahimik sa hardin at hindi na naririnig mula roon ang ingay mula sa loob. Nakatutuwa ang mga lumilipad na mga malalaking kulisap na nagpapaliwanag ng buong paligid kahit walang mga sulo o ilaw roon. Malamig ang hangin na dumadampi sa balat niya ngunit hindi naman niya alintana iyon dahil mas nais niyang lumayo muna upang mapag-isip-isip sandali. Magaan na ang ulo niya. Hindi