"Kor, pare! Mabuti at gising ka na. Ano ba'ng ginagawa mo sa katawan mo? Masyado ka yatang nagpapakapagod?" nakangiting tanong ni Justin sa mapanudyong tono nang bumaling siya sa akin. "Huwag mo namang abusuhin ang katawan mo. Hinay-hinay din minsan kakabayo, hindi ka mauubusan," aniya pa niya at binalingan si Ximena na nakaupo sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Si Ximena naman ay tila nanigas sa kanyang kinauupuan dahil sa sinabi ng lokong ito. Namumula ang kanyang pisngi na tila hiyang-hiya sa biro ng kaibigan kong doktor. Nainis ako kay Justin dahil sa biro niya. Nakakainis din iyong ngiti niya at parang gusto kong bunutin ang baril ko at pasabugin ang nguso niya. Alam ko naman na alam na niya ang dahilan kung bakit hinimatay ako. Baka na kwento na sa kanya ni Ximena ang nangyari k