"M-Mahal kita…" Tumitig ng diretso sa mga mata ko si Ximena nang sabihin niya ito sa akin. Walang kurap siyang nagsalita kaya alam ko na totoo ang sinasabi niya. Napasinghap naman ako though I was expecting to hear it from her. Ramdam ko na ngayon na siya aamin. Nasukol ko siya at alam kong hindi na niya mapipigilan ang kanyang sarili na umamin. "M-mahal kita, Kor." ulit niya sabay nag-iwas ng tingin. Hindi ako umimik. Kinagat ko lang ang ibaba kong labi sa pagpipigil ng ngiti. Kilig to the bones ako. Na para bang bumalik ako sa pagiging teenager dahil pinansin ako ng crush ko. Subalit kailangan ko munang isantabi ang nararamdaman ko. Hahayaan ko siyang magsalita. Moment niya 'to. Alam ko na maglalabas siya ng saloobin niya ngayon dahil ito ang nakikita ko sa mukha niya. "H-hindi ko