"Panaginip lang pala iyon, akala ko totoo na…" bulong ko sa aking sarili habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Narito ako sa loob ng banyo at katatapos ko lang mag-half bath. Dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos kong magising sa napakasamang panaginip na iyon. Naghugas ako para mapreskuhan at para maalis ang bigat na aking nadarama sa aking dibdib. Parang totoong-totoo kasi…dama ko pa iyong takot at kaba na narito sa dibdib ko. Iyong galit ni Kor ay nakapagkit na sa isipan ko. Iyong mga salitang binitiwan niya ay paulit-ulit na nag-e-echo sa aking pandinig. "Galit na galit ako sa iyo Ximena kung alam mo lang! Galit na galit ako ng iwan mo ako! Kung saan-saan ako naghanap! Dito lang pala kita makikita!" Kung sa totoong buhay kaya, hinanap ba niya ako? Isusumbat kaya niya