Nakatitig ako sa kawalan habang hawak ko sa aking kamay ang kopita ng alak. Hindi ko alam kung pang-ilang shot ko na ito pero alam ko nakarami na ako dahil halos nakalahati ko na ang bote ng whisky na iniinom ko. "Kor…lasing ka na yata?" naulinigan kong tanong ni Walden na hindi ko namalayan na dumating na pala. Dinig ko ang tunog ng kanyang sapatos na papalapit dito sa kinaroroonan ko. Narito ako sa balkonahe ng mansion kung saan sinasariwa ko ang mga alaala na kapiling ko pa si Ximena. God…I miss her so much. Nasaan ba siya? Bakit ang hirap niyang hagilapin?! "Madaya ka, dude. Bakit hindi mo ako hinintay." Patamad na nilingon ko siya at malungkot na nginitian siya. "Hindi pa naman. Hinihintay kita." I saw the shock on his face when he looked at me. I saw him sighed heavily after.