"Masyado kang malihim, Ximena. Ano iyong mga narinig ko na pinag-uusapan ninyo ng lalaking kausap mo kahapon? Tumakas ka at nagtatago sa mapapangasawa mo?" tanong sa akin ni Cora habang naghihintay kami sa pagbubukas ng mall. Mukhang hindi na nakatiis ang lukaret. Kaya heto at nagtatanong na sa akin. Kagabi pa siya kating-kati na magtanong sa akin habang pauwi kami sa mga inuupahan namin. Ngunit dahil nakita niya na masama ang hilatsa ng aking mukha ay hindi na siya nagtanong pa. "Magkakilala pala kayo ng lalaking iyon. Hindi mo man lang ako ipinakilala," nakangusong saad niya. Ako naman ay huminga lang ng malalim at hindi pinansin ang kanyang patutsada. Kung alam lang niya kung gaano kadelikado ang lalaking iyon ay baka umatras siya na makilala at mapalapit kay Walden. He is a dange