Tulog na tulog si Ximena sa kandungan ko habang nagbibiyahe na kami pabalik ng La Union. Nakayakap ako sa kanyang baywang habang hawak ko naman ng mahigpit ang isa niyang kamay. Hindi ko siya binitiwan kahit isang saglit. Ni ang pumikit ng matagal ay hindi ko rin ginawa. Napa-paranoid ako eh. Gusto ko nang matulog dahil sa pagod sa biyahe at idagdag pa ang nangyari sa amin dito sa loob ng sasakyan. Hindi ko naman magawa dahil sa takot na baka biglang malingat ako ay mawala na naman siya. Baka makatakas na naman siya at hindi ko na naman alam kung saan siya hahanapin. I don't want that to happen again. Ayaw kong masiraan na naman ng ulo kung saan ko na naman siya hahanapin. Baka hindi ko na siya matagpuan this time kapag nakatakas na naman siya. Ang sarap ng tulog niya. Pinagod ko siya n