Nananakit ang panga at lalamunan ko nang magising ako. Alam ko na kung ano ang dahilan ng pananakit nito kaya hindi na ako nagtaka. Sa halos kalahating oras na pagsubo ko kay Kor ay talagang mangangawit nga ako. Wala siya sa tabi ko nang magising ako pero may breakfast na nakalagay sa sidetable ng kama at amoy na amoy ko ang mabangong java rice, bacon, hotdogs, at tocino. May isang baso rin ng gatas na mukhang mainit-init pa at kalalagay lang yata rito sa kwarto. Bumangon ako para magmumog at matingnan na rin ang banyo kung naroon si Kor at naliligo. Pangdalawahan ang nakalagay sa tray kaya malamang na pinahanda niya ito para sabay kaming kumain ng breakfast. "K-Kor…" medyo pautal na sabi ko nang madatnan ko si Kor na nasa harap ng sink at nag-s-shave ng kanyang balbas at bigote. Hubad