Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pabalik na kami ng mga tauhan ko sa bahay ni Arnulfo. I want to scream out loud because finally she admitted that she loves me. Nagpipigil lang talaga ako na mapatalon sa saya dahil baka magulat ang mga tauhan ko at pagkamalan pa akong baliw. Isa pa, inaalagaan ko ang imahe ko. Dapat lagi akong matigas, walang pakialaman sa lahat ng bagay, at hindi dapat ako nagpapakita ng mga ganitong emosyon. Ang mafia boss ay kilala sa kanyang masamang ugali at pagiging halang ang kaluluwa. Ang pagpapakita ng malambot na side ng pagkatao ko ay hindi pwede sa mundong nasasakupan ko. Gagamitin itong alas ng mga kalaban ko laban sa akin lalo na kung may traydor sa nasasakupan ko. So far wala pa naman, takot lang nila na ubusin ko ang lahat ng angkan ng sino mang tat