"B-bakit ninyo nagawa sa akin 'to?" iyak ko pagkatapos kong marinig kay Anna ang lahat. Dito ako sa mansion nila pumunta pagkatapos na hindi ko na makayanan ang bigat na narito sa dibdib ko. Hindi ko magawang pakiharapan si Kor na hindi ako nasasaktan at umiiyak. Bibigay ako kapag hindi pa ako umalis sa bahay niya kaya heto at nagdesisyon akong umalis para alamin ang totoo. I want to know the truth. Sila ang una kong pinuntahan at tinanong dahil alam kong masasagot nila ang mga katanungan sa isip ko kung bakit napadpad ako sa buhay ni Kor. Heto nga at nalaman ko ang rason. Subalit hindi pa sapat ang mga nalaman ko. Alam kong marami pang mga katanungan na hindi nasasagot sa isip ko lalo na at hindi nagsasalita si Tito Arnulfo. Alam ko may alam siya ngunit pinili niyang manahimik dahil