"N-No…please…kung ano man ang kasinungalingan na sasabihin mo sa akin, huwag ngayon," ani ko kay Kor na nakataas ang aking dalawang kamay. Umurong ako nang makita ko siyang lumapit sa akin. Ayaw kong mapalapit sa kanya dahil baka magbago ang isip ko na kasuklaman siya kapag nahawakan niya ako. "G-Gulong-gulo na ang isip ko. Hindi ko na kayang makinig sa mga kasinungalingan ninyo!" hiyaw ko na halos kasuklaman silang tatlo nang tingnan ko sila isa't isa. I saw my uncle cry. Si Anna rin ay mas lalong napahagulgol. Samantalang ang halimaw kong asawa na mafia boss ay napatiim-bagang lang habang nakakuyom ng mahigpit ang kanyang kamao. Na tila ba handa siyang manuntok dahil sa pinipigilan niyang galit. Galit kanino? Sa mag-ama? Subukan niyang saktan ang mag-ama sa harapan ko, hinding-hindi