"N-nakakapagod. Pahinga muna tayo, baby," haplos ko sa aking tiyan nang tumigil ako sa paglalakad. Hinihingal na huminto ako at naupo sa pinakamalapit na bench na nakita ko sa gilid ng park. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa park na malapit sa apartment na tinutuluyan ko. At hindi ko alam kung ilang steps na ang nagawa ko para sa exercise ko sa araw na ito. Five days na lang ay lalabas na ang baby. Siguro naman by that time eh totoong lalabas na siya. Paano, nagkaroon ako ng false alarm nang nakaraan. Akala ko lalabas na ang baby dahil dinugo ako. Iyon pala ay nagbawas lang daw ako sabi ng OB-GYN ko. Hindi ko pa oras lalo na at hindi pa bukas ang cervix ko. Pikit na pikit pa ito at wala pang sign talaga na lalabas ang baby. Uminom ako sa hawak kong tubig at pagkatapos ay sumandal ako p