"f**k! She is coming!" impit kong bulalas nang makita kong papunta sa gawi ko si Ximena. Plano ko na pumunta sa kabilang apartment para sana tingnan ang lagay ng mga bodyguard ko ngunit heto at makakasalubong ko ang masarap kong asawa. Kaagad kong inayos ang sumbrerong suot ko nang makita ko si Ximena na pabalik na yata rito sa apartment habang tila para siyang hinahabol ng demonyo kung makapaglakad siya ng mabilis. Lumabas pala siya ng kwarto niya. Akala ko pa naman naroon siya sa taas at nagsisiesta kaya naman naisip kong makipagkwentuhan muna sa landlady niya para makasagap ng ilang balita mula sa kanya. Kung alam ko lang na baba siya eh sana ay nanatili na lang ako sa taas dahil baka bigla kaming magkita. Hindi pa ito ang oras ng paghaharap namin. Alam ko hindi pa siya handa. Ayaw kon