"A-anong—" hindi ko na natapos ang nais kong sabihin nang halikan ng pangahas na lalaki ang aking mga labi. Gulat na gulat na nakatingin ako sa mukha niya habang prinoproseso ko kung ano ang nangyayari. Manlaban, ito ang gusto kong gawin subalit huli na dahil nasakop na ng mga labi niya ang mga labi ko. Shuta! Pinasok yata ako ng isang manyakis na lalaki rito sa kwarto ko! Nagising na lang ako na may nakapatong sa akin na katawan at hinahaplos ang pisngi ko. Gulat na nagmulat ako ng aking paningin dahil akala ko ay nananaginip lang ako. Subalit sobra akong nagulat nang mamulatan ko ang isang bulto ng lalaki na nakakatunghay sa akin at haplos ang pisngi ko. At heto na nga at hinalikan niya ako at gagawan pa yata ng masama. Buntis ako, hindi ba niya ito nakikita? Pero mukhang balewala y