"Excuse me, punta lang ako ng restroom," ani ko kay Kor nang matapos ang kanta na sinasabayan namin ng sayaw. Narito kami sa gitna at nasa amin ang atensyon ng lahat. Solo kaming nagsasayaw kanina pa at hindi ko alam kung ito ang request ni Kor at walang sasabay sa amin sa dance floor. "Sure, baby girl. Take your time," nakangiting sabi ni Kor at tumigil sa paggalaw. Sweet dance ang sinasayaw namin at sa totoo lang kanina pa ako naiilang dahil nakayakap si Kor sa akin habang ako naman ay nakahimlay ang ulo ko sa kanyang dibdib. Kinakantiyawan pa nga siya ng mga kaibigan niya dahil hindi niya ako hinayaan na makasayaw ng ibang lalaki. The whole time ay kami ang magkapareha. Buong oras kaming nagsayaw at masakit na ang paa ko kaya nag-excuse ako. "Sige, balik agad ako," ani ko kahit wal