"Happy birthday, Ximena Andrea…" bati ko sa aking sarili habang nakatingin ako sa salamin. Pagkatapos kong maligo ay dito na ako dinala ng mga paa ko para matulala saglit at magmuni-muni. Ngumiti ako at saka pumikit. Umusal ako ng wish para sa sarili ko kahit wala akong ibo-blow na cake. "I wish you good health, long life, and happiness…" dagdag ko pa sabay dilat at naluluhang tumingin sa malayo. It's September twelve today. It's my eighteenth birthday. But still…hindi pa rin sila nagparamdam. Hindi pa rin sila umuuwi para kunin ako. Bakit gano'n? Hindi ba ako mahal ng mga magulang ko? Ni kahit maikling komunikasyon ay hindi nila ginawa sa labing-walong taon? Oh baka naman namgungumusta sila ng hindi ko nalalaman? Siguro hindi. Hindi ako matitiis ng Tito Arnulfo ko lalo na at alam niya