Tiim-bagang na sinundan ko ng tingin ang matalik kong kaibigan na paalis. Hindi niya ako nilingon nang makalampas siya sa akin, ngunit nakita kong natigilan siya sa paghakbang at kita ko kung paano niya tingnan ang asawa ko kaya nagpupuyos sa galit na minura ko siya. "f**k you, Walden! Nandito ako in case you forgot! Makatitig ka sa asawa ko ay parang gusto mo siyang hubaran!" galit na sigaw ko habang humahakbang palapit sa kanya. I want to punch his face. Tutusukin ko rin ang mga mata niya para hindi na siya makatingin kay Ximena. "Ang damot mo, Kor." Tumawa si Walden. "Huwag mong sabihin na threatened ka sa akin? Bakit? Takot ka bang maagawan ng asawa?" asar na sabi niya habang tinititigan na naman niya ng malagkit si Ximena. Hinila ko naman si Ximena sa likuran ko at itinago sa kanya