Abala ako sa pagbabasa ng aralin ko nang biglang may anino na humarang sa view ng pool na pinagmamasdan ko kapag tumitigil ako saglit sa pagbabasa. Hindi ko sana mapapansin dahil abala ako sa aking binabasa ngunit hindi umalis ang pangahas na humarang sa aking tinitigan. Baka si Nanay Medring lang ito at bibiruin na naman ako. Oh baka naman si Ate Brenda at dadalahan ako mg miryenda. Binalewala ko na lang at napatuloy sa pagbabasa. Subalit napahinto ako sa pagbabasa ng tumikhimang taong nasa harapan ko. "E-hem…" wika ng isang boses lalaki. Salubong ang kilay na tiningala ko ang taong umiistorbo sa ginagawa ko. Subalit kaagad na ngumiti ako nang makita ko si Walden na nakangiti sa akin habang sa kanan niyang kamay ay may hawak siyang plastic ng hinog na mangga. "Wow! Para sa akin?" Tan