Naiiling na bumalik ako sa loob ng bahay habang nangingiti sa aking sarili. Somehow, gumaan ang pakiramdam dahil naipaghiganti ko ang puso kong sobrang selos na selos kanina. Masakit ang suntok ko at alam kong muntik pang panawan ng ulirat ang mokong kong kaibigan. Nakaganti pa ako bago siya nakaalis. Bayad sa pagpapa-cute niya sa asawa ko. Aba! Hindi ako papayag na nakangiti siyang uuwi. Swerte niya dahil ito lang ang ginawa ko para sa kanya. Akala niya matutuwa ako na makita silang nag-uusap ni Ximena? Hindi, kaya hayun may pabaon tuloy siya. "Ximena?" tawag ko sa pangalan ng asawa ko nang balikan ko siya sa salas kung saan ay nakaupo lang siya kanina habang kumakain ng hotdog. Saan naman kaya nagsuot ang isang iyon? Hindi man lang ako hinintay. "Nanay Medring!" kuha ko sa atensyon ng