NASA himpapawid pa lang sila ay tanaw na tanaw nila ang bakbakan sa ibaba. Habang pababa nang pababa ang helicopter ay nagpaputok na rin sila ang hanggang sa nag-landing ang helicopter. "Let's move!" "Let's move!" Paulit-ulit na sabi ni Kumander Allhe at Colonel Jacob. Huling bumaba ay si Azheer, at nakasunod sa kanya si Hadi na mahigpit na nakayakap sa braso niya. "Sandali, ano ang ginagawa mo?" bahagyang huminto si Azheer at kunot-noo na nagtanong kay Hadi. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ng dalaga. "Natatakot ako, eh!" "Akala ko ba gusto mong maging magsundalo! Oh, ito ang baril. Iyan ang hawakan mo kaysa braso ko, dahil mamatay tayong dalawa sa ginagawa mo!" Kinuha naman ni Hadi ang baril pero humawak pa rin siya sa sinturon ni Azheer. Napailing na lamang ang binata dah