"Okay lang kami, Captain," simpleng sagot nito. "Allhe…" sambit ng ama niya, at nagmamadali siyang lumapit sa anak. "General, bakit ka pa sumama dito?" pag-alala niyang tanong. "Dahil nag-alala ako sa inyo at lalo na sa iyo," tugon nito. "Salamat sa pag-alala mo Papa, pero hindi ka na sana sumama dito. Dahil delikado," pabulong niyang sabi sa ama. "Don't worry, nandito ka naman para protektahan ako!" pagbibiro nitong tugon sa anak. Natapos ang clearing sa lugar ay banda tanghali na. Pinakiusapan ni Kumander Allhean na maiwan muna sila sa Corella, kasama ang mga huling dumating. Sinabi ng ama niya na bukas na rin sila bumalik sa Manila para sabay-sabay na silang lahat. Subalit hindi pumayag si Kumander Allhe. Kinukulit niya itong mauna na at sila na lang ang magpaiwan. Bilang