ISANG malakas na pagsabog ang bumasag sa kuwentuhan ng mag-asawa. Subalit hindi nataranta ang dalawa. Alam ni Kumander Allhe na ang pagsabog na iyon ay mula sa bomba na kanilang itinanim. Agad nagkagulo ang hanay ng mga militar, nganit ang miyembro ng pardus ay nanatiling kalmado sa kanilang mga kilos. "Lieutenant Klent," sambit ni Kumander Allhe. "Yes, kumander?" "Isama mo sina; Mhasol, Tenni, Gianna, Mariss, at Joy. Doon kayo sa kabilang bahagi." "Copy, kumander. Let's go!" Agad na silang umalis. Habang sina SMSgt. Marco at ang iba pa ay kasama niya. Sinabi ni Kumander Allhe kay Major Lerio, na pagsabihan ang hanay niya na huwag mag-panic at hintayin ang kanyang go signal. Nag-oo naman ang kausap at dali-daling pinuntahan ang mga kasamahan nitong sundalo. Nakarating sila sa