ILANG araw din bago sumapit ang huling pagsubok apat na grupo na lang ang maglalaban-laban at ang dalawa nito ay matatanggal habang ang dalawang grupo na matira ay sila makakapasok sa junior pardus force. Ang huling laban nila sa kagubatan merong dalawang kahon na merong laman na kulay asul. Ang dalawang team na unang makakuha nito ay sila ang tanghaling panalo. Alas-sais pa lang nang umaga ay nasa kagubatan na sila. Ang bawat team ay iba't iba ang kulay ng mga damit nila. Sinasadya ito upang madali silang makilala ng mga team nila. Ang hindi alam ng buong estudyante ay nasa paligid lang ang buong miyembro ng pardus force na kasalukuyang nagbabantay sa kanila. Ang bawat team ay binigyan ng mapa sa buong lugar at kung saan nakatago ang dalawang kahon. Nang matapos silang bigyan ng instructi