Napangiti naman si Kumander Allhean, habang pinagmamasdan niya ang unang team na nanalo. Dahil humanga siya sa diskarte na ginagawa nila. Lalo na't alam niya na ang may plano sa ginawa nilang diskarte ay si Switlyne. "Bakit ang sarap ng ngiti mo?" seryoso na tanong ni Col. Jacob. "Kanina ka pa diyan?" tanong naman niya sa asawa, dahil hindi nito napansin ang paglapit niya. "Kararating ko lang. Nagpunta ako sa opisina mo pero wala ka kaya alam kong nandito ka. Mukhang masaya ka ngayon?" "Masaya lang ako sa diskarte na ginagawa ni Switlyne," aniya sa asawa. "Bakit?" "Nanalo ang team nila sa unang pagsubok. Dahil ang ginawa niyang plano ay hinati niya ang sampung lalaki sa dalawang grupo at iyon ang pinabuhat niya sa magkabilang side, habang ang mga babae naman ay sa gitna niya pin