Hindi namalayan ni ni Marco na nasa likuran na pala niya si Kumander Allhe, at nakita nito ang pagpunas niya sa kanyang mga luha. "Marco, okay ka lang?" malumanay niyang tanong. "Naalala ko lang ang nangyari noong gabing sinunog nila ang ating baryo." "Ano ba ang nangyari noong gabing iyon?" tanong niya rito. "Noong gabing iyon ay nagkayayaan kami na pumunta sa kabilang baryo dahil fiesta. Pero noong pauwi na kami ay natanaw namin ang malaking usok na nagmula sa baryo natin. Kaya patakbo kami na umuwi, pero huli na ang aming pagdating damin dahil halos lahat ng bahay ay sinunog na nila. " "Pa—" "Hindi natuloy ang aking sigaw sana niya dahil biglang tinakpan ni Klent ang aking bibig at hinila niya ako para hindi makita ng mga rebelde." "Marco, makinig ka sa akin. Kung magpakita ka